THE HAGUE (AFP) – Nagpahayag ng pagkabahala ang chemical weapons watchdog ng mundo noong Miyerkules kaugnay sa mga ulat ng chlorine gas attack sa Syria.
May 24 katao ang iniulat na nahirapang huminga sa Saraqeb, isang bayan may 50 kilometro ang layo mula sa timog ng Aleppo, kasunod ng barrel bomb attack noong Martes, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights.
“These reports are of great concern,” sabi ni Ahmet Uzumcu, pinuno ng Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW).
Idinagdag niya na patuloy na iniimbestigahan ng UN-backed group na nakabase sa The Hague ang mga ulat tungkol sa paggamit ng chemical weapons.