RIO DE JANEIRO (AP) — Isa pang dagok sa kampanya ng Switzerland sa tennis event ng Rio Olympics.

Ipinahayag nitong Martes (Miyerkules sa Manila) ni two-time major champion Stan Wawrinka na hindi na siya makalalaro sa Olympics bunsod ng tinamong injury.

Sa opisyal na pahayag na ibinigay ni Wawrinka sa Associated Press, iginiit niya na mas lumalala ang sakit na nadarama niya sa tuhod matapos ang pagsabak sa Rogers Cup sa Toronto nitong nakalipas na linggo.

Sa inisyal na pagsusuri, pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga ng ilang linggo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Wawrinka ay kasalukuyang No. 4 sa world ranking. Tulad niya, nauna nang nagpahayag na hindi makalalahok ang kababayan niyang si Roger Federer, ang world No.3, gayundin sina No. 7 Milos Raonic ng Canada, No. 8 Tomas Berdych ng Czech Republic at No. 10 Dominic Thiem ng Austria.

Nagtamo rin ng injury sa kanang pulso si No. 5 Rafael Nadal sa French Open, ngunit handa siyang sumabak sa Rio.

Gaganapin ang draw sa men’s singles ng tennis sa Huwebes (Biyernes sa Manila). Magsisimula ang laro sa Sabado.