RIO DE JANEIRO – Isinama ang karate sa 2020 Tokyo Olympics na magbibigay ng saya sa mga tagahanga ng ancient martial arts ng Japan.

Kabilang ang karate, gayundin ang baseball at softball sa Olympic calendar, matapos pagbotohan ng International Olympic Committee (IOC) general assembly nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nakilala ang karate, nagsimula sa isla ng Okinawa sa Japan, sa buong mundo noong 1960s at mas tumaas ang popularidad noong 1970s martial arts movie ni Bruce Lee.

“There couldn’t be a better place (than Tokyo) to begin our Olympic adventure,” pahayag ni World Karate Federation president Antonio Espinos sa Reuters matapos ang botohan ng IOC.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“This will be a ‘fiesta’ for the entire karate world,” aniya.

Lalaban ang ilang 80 karate practitioners sa Tokyo. Inaasahang magpapakitang gilas ang Japan, pati na rin ang Iran at mga bansa Europa tulad ng France at Spain.

Inalala ni Espinos na noong 2008 World Karate Championship sa Japan, naglaban-laban ang mga pamilya at amateur karate practitioners na naging sanhi ng masayang kaganapan. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)