Ni JIMI ESCALA

MAJA SalvadorTIKOM ang bibig ng ABS-CBN executive na kausap namin hinggil sa kumakalat na balitang papatayin na ang character ng leading lady ni Coco Martin na si Maja Salvador.

May isyu na madalas daw na nagiging problema si Maja sa naturang serye at hindi lang daw ang productiaon staff ang umaangal sa attitude lately ng aktres kundi pati na rin ang mga kasamahang artista.

Ayon pa sa pinagpipistahang isyu, naging problema na raw ng produksiyon si Maja na hindi naman nangyayari noon at pati nga raw ang mga kasamahang dating malapit sa aktres ay naninibago sa attitude niya ngayon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mariing itinanggi sa amin ng kakilala namin sa Star Magic ang isyu. Wala raw katotohanan ang intriga. Katunayan, walang ganitong report o reklamo na nakakarating sa kanila.

Sabi ng kausap namin, pagdating sa professionalism ay isa pa rin si Maja sa maaasahan dahil madalas pa ring nauunang dumating sa taping.

Samantala, kung pagbabasehan ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsiyano at ng katapat nitong Encantadia, ay walang dudang kumakain ng alikabok ang huli. Kahit ginastusan ang special effects at dagdag pa ‘yung sandamakmak na mga artista, wala pa ring binatbat ang show ng Kapuso.

Sa July 25 survey, halimbawa, nakakuha ng 26% ang Probinsiyano against Encantadia’s 23.8%; 25.3% ang nakuha ng show ni Coco noong July 26, samantalang 23% ang Encantadia. Talo rin ang GMA show sa nakuhang rating of 23.9% against Ang Probinsyano’s 24.2% noong July 27; 26.4% ang rating ng show ni Coco noong July 29 against Encantadia’s 24.3. Sa July 29 episode naman ay 24.1% ang primetime show ng Dos samantalang 23.9% ang sa Siyete.

Mas malaki ang lamang ng show ni Coco Martin sa Kantar Media/TNS (Ruband+Rural) -- 43.8% ang rating ng Ang Probinsiyano against Encantadia’s 19% last July 25. Sa July 26, Coco’s show got 41.8% and Encantadia earned 18.8%. On its July 27 episode, nakakuha ang Encantadia ng 20.5% samantalang 42.8 naman ang rating ng show ni Coco. Talo rin sila sa July 28 episode (42.0 ang Probinsiyano, 19.7 ang Encantadia) at noong July 29, 41.4% ang show ng Dos against 21.1% sa Encantadia.