LONDON (AFP) – Isang babae ang napatay at limang katao pa ang nasugatan nang manaksak ang isang lalaki sa central London noong Miyerkules.

Kaagad na naaresto ang suspek sa lugar ng krimen sa Russell Square sa sentro ng lungsod matapos barilin ng taser ng mga opisyal.

Kabilang sa mga isyung sinisilip sa pag-atake ay ang posibilidad na may problema sa pag-iisip ang suspek gayundin ang anggulong terorismo.

“Early indications suggest that mental health is a significant factor in this case and that is one major line of inquiry but of course at this stage we should keep an open mind regarding motive and consequently terrorism as a motivation remains but one line of inquiry for us to explore,” sabi ni senior police officer Mark Rowley nitong Huwebes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina