DAGUPAN CITY, Pangasinan – Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 ang umano’y pangunahing drug pusher sa siyudad na ito, na nagbunsod sa pagkakadiskubre sa isang drug den.

Ang drug buy-bust ay isinagawa nitong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Dagupan City, Police Regional Office (PRO)-1, Pangasinan Police Provincial Office (PPO), PDEA-1 at iba pa sa Sitio Aling, Barangay Pantal.

Anim na drug personality ang nadakip sa operasyon, kabilang si Renato Liwanag, 35, na umano’y nagmamantini sa drug den.

Sa isang panayam, kinumpirma ni acting Pangasinan PPO Director, Senior Supt. Roland Lee, “Si Liwanag ay top drug pusher at nagsu-supply sa buong Dagupan City at mga kalapit na bayan.”

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Arestado rin sina Jonald Rosario, Manny Santos, Christian De Vera, Darwin Bato, at Michelle Miramis. Nasa 54 na gramo ng shabu at iba’t ibang drug paraphernalia naman ang nakumpiska ng pulisya.

Ayon sa PDEA, nasa 30-40 drug personality ang nasa drug den at nagagawang mag-supply ng 100 gramo ng shabu. Kumikita umano ito ng nasa P100,000 kada araw sa bawat operasyon, o nasa P30 milyon kada buwan. (Jojo Riñoza)