Mga laro ngayon (San Juan Arena)

10 n.u. -- EAC vs St. Benilde (jrs)

12 n.t. -- Mapua vs Perpetual (jrs)

2 n.h. -- EAC vs St. Benilde (srs)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

4 n.h. -- Mapua vs Perpetual (srs)

Target ng University of Perpetual Help na madugtungan ang winning streak na lima sa pagsagupa sa matikas na Mapua sa pagpapatuloy ngayon ng 92nd NCAA basketball tournament sa San Juan Arena.

Ang Altas ang ikalawang pinakamainit na koponan sa kasalukuyan matapos magtala ng apat na sunod na panalo kabilang ang 70-53 paggapi sa Emilio Aguinaldo College Generals nitong Martes upang tumabla sa Arellano University Chiefs sa barahang 6-2.

Kasalukuyan namang nasa ika-apat na posisyon ang Cardinals kapantay ng defending champion Letran Knights na may barahang 5-2.

Nakatakda ang duwelo sa 4:00 ng hapon.

“Maikli lang yung preparasyon namin, pero always ready naman kami,” pahayag ni Perpetual Help coach Jimwell Gican.

“Kailangan masiguro lang namin na mapatatag yung depensa.”

Tiyak ding aabangan sa duwelong Perpetual Help-Mapua ang pagtatapat ng mga Nigerian slotman na sina Bright Akhuetie ng Altas at reigning MVP Allwell Oraeme ng Mapua.

“It’s going to be a great game and I will be out there doing my best to help my team win,” ani Akhuetie.

Hindi naman makakalaro si Perpetual Help’s lead point guard Kieth Pido na nagka injury sa kanyang balikat matapos mabangga ni EAC skipper Francis Munsayac habang hindi rin makakalaro si Mapua team captain CJ Isit, na mayroon namang finger injury.

Sa isa pang laro, magtutuos naman ang, EAC (2-7) at wala pang panalong St. Benilde (0-8) sa ganap na 2:00 ng hapon. - Marivic Awitan