Sa loob ng 10 araw, inatasan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) si Vice President Leni Robredo na sagutin ang election protest na isinampa laban sa kanya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang resolusyon ay ipinalabas kahapon ng PET na kinabibilangan ng 15 justices, base na rin sa kanilang deliberasyon noong Hulyo 12.

Kasabay nito, inatasan ng PET ang Commission on Elections (Comelec) na ipreserba at tiyakin ang integridad ng ballot boxes at mga laman nito tulad ng balota, voter’s receipt at election returns, list of voters at iba pa.

Magugunita na nagsampa ng protesta si Marcos laban kay Robredo noong Hunyo 29. Hiniling niya sa PET na siya ang ideklarang duly-elected vice president.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ilan sa argumento ni Marcos ay ang umano’y malawakang dayaan na naganap noong May elections. (Rey Panaligan)