Sinimulan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mahabang proseso para sa pagbubuo ng koponan na isasabak sa bagong susundin na kalendaryo ng Federation International des Basektball (FIBA) sa pag-imbita sa 15 mahuhusay na collegiate players.

Sinabi ni SBP deputy director for international affairs at Gilas team manager Butch Antonio na nais nitong mabuo ang ikalimang grupo ng Gilas Pilipinas na isasabak sa Fiba Asia Challenge Cup sa pagpapatawag ng tryout sa Meralco Gym.

Hangad ng SBP na makabuo ng 24-man team para sa international tournament na nakalinya sa FIBA.

Dumalo sa unang araw ng ensayo ang mga dating Gilas cadet na sina Roger Pogoy, Russelle Escoto, Mac Belo, Mike Tolomia, Von Pessumal, Almond Vosotros, Gio Jalalon, Ed Daquiaog at Kevin Ferrer. Inimbitahan din sina CJ Perez, Cris Javier, Karl Brian Cruz, Jonathan Grey, at Arvin Tolentino.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi nakadalo si Kiefer Ravena, inaasahang pamumunuan ang koponan, na nasa training camp sa US.

“May deadline na kasi tayo this month to submit the lineup list of 24 on August 9 and the final 12 lineup on August 25,” sabi ni Antonio.

Kasalukuyan pa na pinagpipilian ng SBP ang kukumpleto sa 24 na miyembro ng pool sa susunod na mga araw.

Ipinaliwanag ni Antonio na inaasahan na nilang mahihirapan silang makuha ang serbisyo ng mga mahuhusay na manlalaro mula sa collegiate at propesyonal na liga kung kaya inimbitahan nila ang mga dating naglaro sa mga liga na UAAP at NCAA. (Angie Oredo)