Hinimok ni Senate Minority Leader Ralph Recto ang administrasyon na tuldukan na rin ang contractualization ng 120,000 kawani ng pamahalaan.
Aniya, pangit namang tingnan kung hindi ito gagawin ng pamahalaan gayung mahigpit ang babala sa private sector na tigilan na ang pagkuha ng kontraktuwal.
“The government should open a pathway to regular employment for thousands of casuals who are eligible for permanent civil service,” ani Recto.
Aniya kasing dami ng sandatahang lakas ang mga government casual workers at dapat na silipin na rin kung ano ang mga katayuan nila.
Sa pagtaya ng Civil Service Commission noong 2010, mayroong 21,315 contractual workers at 97,951 casuals, o 120,000.
Aniya, hindi pa kasali dito ang mga binabayaran sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga ahensya ng pamahalaan. (Leonel M. Abasola)