Sinabi ng Supreme Court ng China noong Martes na makukulong ng hanggang isang taon ang mahuhuling illegal na nangingisda sa mga tubig ng bansa, sa inilabas na interpretasyon ng hudikatura sa mga tubig na sakop ng exclusive economic zone ng Beijing.

Nagpasya ang isang arbitration court sa The Hague nitong nakaraang buwan na walang makasaysayang karapatan ang China sa mga tubig sa South China Sea at nilabag ang sovereign rights ng Pilipinas sa mga naging aksiyon nito, na ikinagalit ng Beijing na ibinasura ang kaso.

Ayon sa hatol ng korte, wala ni isa sa mga bahura na inaangkin ng China sa Spratly Islands ang may karapatan sa 200-mile exclusive economic zone.

Hindi direktang binanggit ng Supreme Court ang South China Sea o ang hatol ng The Hague, ngunit sinabi na ang judicial interpretation nito ay alinsunod sa batas ng mga Chinese at sa United Nations’ Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na pinagdalhan din ng kaso ng Pilipinas.

Eleksyon

'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list

“Judicial power is an important component of national sovereignty,” sabi ng Supreme Court.

“People’s courts will actively exercise jurisdiction over China’s territorial waters, support administrative departments to legally perform maritime management duties ... and safeguard Chinese territorial sovereignty and maritime interests.”

Kabilang sa mga jurisdictional sea na sakop ng interpretasyon ang contiguous zones, exclusive economic zones at continental shelves, dagdag nito.

Ang sinumang illegal na pumasok sa mga tubig sa teritoryo ng mga Chinese at tumangging umalis matapos itaboy, o muling pumasok matapos itaboy o sa nakalipas ay pinagmulta na ay nakagawa ng seryosong krimen at maaaring makulong ng isang taon, ayon sa Supreme Court.

“The explanation offers legal guarantees for marine fishing law enforcement,” dagdag dito.

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, na dinaraanan ng $5 trillion kalakal ng mundo bawat taon. Karibal nito sa mga pag-aangkin ang Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam.

Madalas na idinedetine ng China ang mga mangingisda, lalo na ang mga nagmula sa Pilipinas at Vietnam, at paminsan-minsan ding nadedetine ang mga mangingisdang Chinese ng ibang claimant sa South China Sea. (Reuters)