ISTRIKTO si Alden Richards sa sarili lalo na pagdating sa professionalism. Last Saturday, muli na naman siyang nagpaka-professional kahit dusa ang inabot niya nang pumunta siya ng General Santos City para sa isang show na nasagutan na niya sa producer.

Pero hindi naman siya puwedeng um-absent sa 37th anniversary celebration ng Eat Bulaga. Kaya after pa ng EB siya umalis papuntang GenSan. Ang malaking problema, wala nang direct flight from Manila to GenSan nang ganoong oras, kaya kinailangan niyang bumaba muna sa Davao airport bago magbiyahe ng tatlong oras by land papuntang GenSan. Gabi na nang mag-touchdown sa Davao ang eroplanong sinakyan niya.

Kaya sobrang late na siya nakarating sa concert venue.

Ayon sa Instagram post ng Aldenatics GenSan, 11:00 PM na nakarating sa kanilang lugar si Alden kaya 12:00 midnight na nagsimula ang Alden Richards Concert sa Lagao Gym. Kailangan din naman munang pakainin at mag-freshen up si Alden bago siya sumalang sa show. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang maganda lamang, kahit naghintay ng limang oras ang fans ay hindi nila iniwanan si Alden. Katunayan, dahil after ng concert ay itinuloy pa ang naging masayang meet and greet. 

Alam daw nilang pagod at puyat na si Alden pero masaya pa rin itong humarap sa kanila, nakipag-usap at pumirma ng authographs sa dala-dala nilang magazines na cover ito at si Maine Mendoza. Naibigay din ng Aldenatics ang gifts nila hindi lamang para kay Alden kundi para rin kay Maine. Labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa pang-unawa at patuloy na pagsuporta ng AlDub Nation sa kanila ni Maine.

Pero hindi roon natapos ang dusa ni Alden. Dapat ay babalik na siya ng Manila (nag-absent na nga siya sa Sunday Pinasaya) dahil may flight naman ng 11:30 AM kinaumagahan, Linggo, pero suspended ang flights sa GenSan dahil sa bagyong Carina. Kaya bumiyahe na naman siya ng three hours papuntang Davao airport. Pagdating niya roon, naghintay pa sila ng available flight dahil pinayagan nang magbiyahe ang aircrafts for Manila. Inabot siya ng gabi sa paghihintay.

Two hours ang flight kaya almost 11:00 PM na nakarating si Alden sa NAIA 3.

Samantala, naghihintay ang AlDub Nation kung mababago na ang episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Totoo kayang magpo-focus na ang writer ng kalyeserye sa love story nina Alden at Maine? Eagerly waiting na rin ang televiewers ng noontime show sa sabi’y pagbabalik na ni Lola Tidora played by Paolo Ballesteros, para mabuo na muli silang tatlo nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo). (NORA CALDERON)