Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.h. -- Perpetual vs EAC (Srs.)

2 n.h. -- Arellano vs Lyceum (Srs)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

4 n.h. -- San Sebastian vs JRU (Srs.)

Makatabla ng Mapua at Letran sa ikalawang puwesto ang target kapwa ng University of Perpetual Help at Arellano sa pagsalang nila sa unang dalawang laro sa nakatakdang triple header ngayong hapon sa NCAA Season 92 seniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Unang sasalang ang Altas na galing sa tatlong dikit na panalo kontra Emilio Aguinaldo College ganap na 12:00 ng tanghali bago ang Chiefs na haharapin naman ang Lyceum of the Philippines sa ikalawang laban sa ganap na 2:00 ng hapon.

Tatangkain ng dalawang koponan na makamit ang ikalimang tagumpay sa loob ng pitong laban para pumatas sa Cardinals at defending champion Knights sa ikalawang posisyon.

Kasalukuyang magkasalo sa second spot ang magkapitbahay na Mapua at Letran taglay ang parehas na karta na 5-2, sa likod ng solong lider ng San Beda (7-0).

Sa huling laro, sa ganap na 4:00 ng hapon magtutuos naman ang patuloy pa ring nangangapa sa porma na Jose Rizal University (2-4) at San Sebastian College (1-5).

Samantala, natuldukan ng Arellano University ang tangkang sweep ng 7- time champion San Beda College sa first round elimination ng junior division sa impresibong, 93-90 na panalo kahapon sa San Juan Arena.

Nagtala ng 28 puntos si Guilmer de la Torre para pagbidahan ang panalo ng Braves kontra sa six-time defending champion.

“Sabi ko sa kanila, baka may doubt pa sila, alisin na nila kasi pumunta kami rito para manalo at hindi para mailang sa San Beda, na motivate sila,” pahayag ni coach Darjuan. (Marivic Awitan)