DANIEL AT KATHRYN copy

SINA Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang matatawag na perfect pair sa show business. Ang love team nila ang isa sa pinakasikat sa Pilipinas ngayon, at walang dudang pinaka-sweet, on and off-cam.

Noong nagsisimula pa lamang ihanap si Kathryn ng perfect na makakapareha five years ago, ibang young actor ang naisip ng production people. 

Pero sadyang itinadhana talaga na si Daniel ang makatambal niya, nagustuhan ng televiewers ang chemistry nila, so the perfect love team was born. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Debonair boy-next-door looks plus mala-prinsenang charms, wala nang nakapigil pa sa stardom nila.

Ang beautiful history nilang ito ang babalikan nila bilang bagong celebrity ambassadors ng San Marino Corned Tuna, kaya magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na malaman sa pamamagitan ng kanilang TV commercials kung paano nagsimula ang lahat sa kanila.

Pag-amin mismo ni Daniel, marami na silang nagawang ads ni Kathryn, pero ang “I Found My True Love in San Marino Corned Tuna” ad lang ang makakapagpakita kung paano sila nagkakilala at ang naging adventures nila bilang love team.

Aminado si Kathryn na excited siya sa creative concept na ito.

“May 15 seconds kasi na ‘pinakita ‘yung meeting namin hanggang sa paano kami…”

“Happy na naman ako kasi kasama ko si Kathryn dito kaya kumpletung-kumpleto,” salo ni Daniel.

“Kilig ang commercial,” saad ni Kathryn.

“Kilig, pero napakanatural,” agaw uli ng binata.

Open secret na nag-grow na ang kanilang love team. Ganoon din ba sa tunay na buhay? True love ba nila ang isa’t isa?

“Maybe,” natawang sagot ni Daniel.

“Siya na lang ang tanungin n’yo d’yan,” sey ni Kathryn bago natatawang inamin din na, “maybe!”

Ngayong taon, ibang KathNiel na ang mapapanood sa bagong pelikula na sa Barcelona, Spain pa kinunan. Walang duda na isa uli itong box-office hit. Pero anuman ang success na naaabot nila, ibinibigay nila ang kredito sa kanilang fans.

“Yung mga fans namin, mga KathNiel, ‘yun ang malupit,” sabi ni Daniel. “’Yun ang mga record-breaker talaga.”

(ADOR SALUTA)