BEIJING (Reuters) – Nilalabanan ng liderato ng China ang pressure sa loob ng militar para sa mas puwersadong reaksyon sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague laban sa pag-aangkin ng Beijing sa South China Sea, ayon sa sources, nag-iingat na makabangga ang United States.

Hindi pa nagpapakita ang Beijing ng anumang senyales na nais nito ng mas malakas na aksiyon laban sa desisyon na nagbunsod ng mga makabayang sentimiyento, protesta at maaanghang na editorial sa China.

Sa halip nanawagan ito ng mapayapang resolusyon sa pamamagitan ng mga pag-uusap kasabay ng pangakong dedepensahan ang Chinese territory.

Gayunman, ilang elemento sa loob ng militar ng China ang nag-uudyok ng mas malakas – posibleng armadong tugon laban sa United States at mga kaalyado nito sa rehiyon, ayon sa mga panayam sa apat na sources na malapit sa militar at sa liderato.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“The People’s Liberation Army is ready,” sabi ng isang source sa loob ng militar sa Reuters.

“We should go in and give them a bloody nose like Deng Xiaoping did to Vietnam in 1979,” sabi ng isang source, na ang tinutukoy ay ang sandaling paglusob ng China sa Vietnam para parusahan ang Hanoi sa pagpapatalsik sa kaalyado nitong Khmer Rouge mula sa kapangyarihan sa Cambodia.

Matatag ang liderato ni President Xi Jinping sa PLA at walang humahamon sa kanyang pamumuno.

Ngunit ang tumitigas na tugon sa hatol ng The Hague mula sa ilang kasapi ng militar ay nagtataas ng panganib na ang anumang panggagalit at hindi inaasahang mga insidente sa South China Sea ay maaaring mauwi sa mas seryosong banggaan.

Inilarawan ng isang source ang mood sa PLA na handang makipagdigma.

“The United States will do what it has to do. We will do what we have to do. The entire military side has been hardened. It was a huge loss of face,” sabi ng source.

“The Chinese military will step up and fight hard and China will never submit to any country on matters of sovereignty,” sulat ni Liang Fang, professor sa National Defence University ng militar, sa kanyang Weibo microblog tungkol sa hatol.

Sa kabila ng mga alingasngas, walang matibay na hakbang ang militar na maaaring magpalala sa mga tensiyon. Sinabi ng mga diplomat at source na batid ng liderato ng China ang panganib na ihahatid ng banggaan.

“They’re on the back foot. They’re very worried by the international reaction,” sabi ng isang Beijing-based diplomat, binanggit ang ilang pag-uusap ng mga opisyal ng China.

Gumagamit din ang Washington ng tahimik na diplomasiya upang hikayatin ang regional players na huwag gumawa ng anumang agresibong hakbang.