NAKALIPAT na ang 37-year-old na si Cameron Douglas mula sa kulungan sa isang halfway house sa Brooklyn, New York, ayon sa Page Six

Si Cameron, panganay na anak na lalaki ng Oscar winner na si Michael Douglas at ng kanyang ex-wife na si Diandra, ay nasentensiyahan ng limang taong pagkakakulong dahil sa pag-iingat ng heroin at pagbebenta ng methamphetamine noong 2010. Nang umamin na nagpupuslit siya ng bawal na gamot sa kulungan, pinalawig ang kanyang sentensiya at hindi itinakda na makalabas hanggang sa susunod na taon.

Madalas talakayin ni Michael ang pagkakakulong ng kanyang anak at ang kanyang pagkakadismaya sa justice system at kung paano hinahawakan ang kaso ng kanyang anak.

“I have gone from being a very disappointed but loving father who felt his son got what was due him to realizing that Lady Justice’s blindfold is really slipping,” sabi ng actor sa New York magazine noong 2013. “I’m not defending Cameron as a drug dealer or drug addict, but I believe, because of his last name, he’s been (made) an example.”

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Nagsalita rin si Douglas, 71, tungkol sa pagkakakulong ni Cameron nang tanggapin niya ang 2013 Emmy Award para sa kanyang pagganap sa Behind the Candelabra.

“My son Cameron is in federal prison,” aniya.“He’s been, unfortunately, a drug addict for most of his life and was arrested for dealing drugs. It’s a non-violent offense, but unfortunately in prison it’s as easy to get drugs, or easier, than it is on the street. And so he’s had a couple little slips.”

Dagdag pa ng Ant-Man star, naniniwala siya na si Cameron ay nagsilbi “more than his fair share of time” sa kulungan at dalawang beses niya itong dinadalaw kada buwan.

Ibinahagi rin ni Cameron ang kanyang pagkadismaya sa legal system sa pagsusulat ng isang sanaysay mula sa kulungan para sa The Huffington Post noong 2013.

Sa isang post, naniniwala si Cameron na “outdated” ang justice system na pinaparusahan ang mga hindi marahas na drug offenders “more harshly than many violent crimes.”

“I’m not saying that I didn’t deserve to be punished, or that I’m worthy of special treatment,” saad sa post ni Cameron. “I made mistakes and I’ll gladly and openly admit my faults. However, I seem to be trapped in a vicious cycle of relapse and repeat, as most addicts are. Unfortunately, whereas the effective remedy for relapse should be treatment, the penal system’s ‘answer’ is to lock the door and throw away the key.”

“Instead of focusing on how many individuals this county can keep imprisoned, why can we not focus on how many individuals we can keep from coming back?” patuloy ni Cameron sa editorial.

Iniulat din ng Page Six na may plano si Cameron na magsulat ng libro tungkol sa kanyang pagkakakulong at sa mga pagsubok sa kanya bilang anak at apo ng mga Hollywood icon.

Si Michael Douglas ay may dalawa ring teenager na anak sa asawang si Catherine Zeta-Jones. (ET Online)