073116_Mutya ng Pilipinas_Manila_Jun Ryan Arañas copy

ISANG sports reporter at isang fashion model ang kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas 2016 sa pageant sa Resorts World Manila sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Si Ganiel Akrisha Krishnan, 21, court-side reporter ng University Athletic Association of the Philippines mula sa Maynila, ang kinilalang Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International 2016. Siya ay third year mass communication student ng Far Eastern University.

Bago sumali sa Mutya ng Pilipinas, sumali rin si Ganiel Akrisha at naging second runner-up sa 2016 Miss Manila beauty pageant.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Affiliated din sa ABS-CBN sports division si Ganiel Akrisha, na una nang kinilala bilang Darling of the Press.

Mahilig sa pop at jazz music, Best in Talent din ang beauty queen mula sa FEU sa kanyang pag-awit. At wala siyang boyfriend.

Si Justin Mae San Jose, 19, ng Calabarzon pero isinilang at lumaki sa Doha, Qatar, ang kinoronahang Mutya ng Pilipinas Tourism International 2016.

Fashion model at nag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran, nasungkit din ni Justin Mae ang top special awards ng pageant na Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

Sina Ganiel Akrisha at Justin Mae ay kapwa nagsanay sa Kagandahang Flores beauty camp, sa ilalim ng pageant guru na si Rodgil Flores.

Si Michelle Thorlund ng California naman ang Mutya ng Pilipinas Overseas Community.

First runner-up si Ashley Nicole Singh, ng Central Luzon, na kinilala rin bilang Viva Discovery of the Year, at second runner-up si Lynette Bradford ng Melbourne.

Wagi naman ng special awards sina Thalia Joyce Coronico, People’s Choice; Rex Nicdao, Designer’s Award; at Jannie Loudette Alipo-on, Navotas City.

Pumasok din sa Top 10 sina Marielle Cartagena, Jannie Loudette Alipo-on, Mayu Murakami,Joanna Rose Tolledo, at Dianne Irish Joy Lacayanga.

Tatlumpong kandidata mula rito at sa mga Filipino community sa ibang bansa ang lumahok sa ika-48 Mutya ng Pilipinas.

INOKRAY ANG KORONA

Isa sa highlights ng pageant night ang pagpuputong ng mga bagong korona para sa mga nanalo — ngunit sa halip na hangaan ang mga bagong disenyo ng korona ay marami ang nagpahayag ng disgusto sa mga ito.

Ayon sa pageant fans, masyadong malaki at maraming disenyo ang korona para sa dalawang major title holder.

“Mukha s’yang kaldero!” komento ng isang pageant fan na nasa audience habang ipinuputong ang mga korona kina Ganiel Akrisha at Justin Mae.

Komento naman ng isa pa: “Para siyang malaking paso at kulang na lang lagyan ng halaman. What were the designers of the crowns thinking?”

Sa video presentation sa beauty pageant, inihayag na ang dalawang korona para sa major title holders ay nagkakahalaga ng mahigit P200,000 bawat isa. (ROBERT R. REQUINTINA)