Hindi sana namatay si Mark Vincent Geralde kung inawat agad ng mga nakasaksi ang mainitan nitong pakikipagtalo kay Vhon Martin Tanto, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Nalaman umano ni Estrada sa mga imbestigador na may ilang lalaki sa pinangyarihan ang nagkakantiyawan habang nagpapalitan ng suntok sina Geralde at Tanto.
“CCTVs can only do so much,” sambit ni Estrada.
“This would not have gone into a shooting fight if the people who were watching and cheering had tried to intervene and stop it and separated the two,” diin pa ng alkalde.
“Better yet, they should have called the police or the nearby barangay,” ani Estrada, idinagdag na kayang-kaya ng Manila Police District (MPD) rumesponde sa kahit anong uri ng emergency.
Samantala, tila nagsilbing leksiyon ang nangyaring insidente para sa Manila city government sa pag-aanunsiyo nito kahapon na ipagpatuloy ang paglalaan ng pondo para sa mas maraming security cameras sa mga pangunahing kalye sa nasabing lungsod upang maiwasan ang patayan at upang magkaroon ng mabilis na imbestigasyon gaya ng pagkakaresolba sa kaso ni Geralde.
“President Duterte is right in encouraging people to do citizen’s arrest because all of us are responsible for each other as patriotic Filipino citizens. We can spend billions in putting up security systems such as CCTVs for crime prevention but we, as citizens, should be more conscientious in preventing or reporting criminality,” pahayag ni Estrada sa paghihikayat sa mga taga-Maynila sa maging maingat upang maiwasan ang anumang uri ng krimen.
“Let us do our part, who knows one day it will be our own loved ones who will be the victims of such crime,” diin ni Estrada.
Sinabi niya na ang “quest for justice does not stop with the arrest of the suspect”, ipinunto na ang “true justice” ay makakamit kung makikipagtulungan ang bawat isa. (BETHEENA KAE UNITE)