HINDI nakasipot si Billy Crawford sa grand presscon ng pelikulang That Thing Called Tadhana dahil nasa hospital noon at nagpapagamot sa sakit na pneumonia.

Kaya nagkaroon siya ng mini-presscon last Thursday at dahil gay film ang That Thing Called Tanga Na ng Regal Entertainment, tinanong siya kung may kilala siyang closet gay sa showbiz.

“Kayo na lang ang magsabi,” natawang sagot ni Billy, “I’m sure naman alam n’yo, huwag na ako.”

Closet gay na security guard ang role ni Billy saThat Thing Called Tanga Na. Paano niya nagampanan ang papel.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Kasi as an actor na hindi lang straight to portray a gay role, it’s very difficult because ayaw mo namang masaktan, ayaw mo namang maging OA (over acting) dahil baka naman masaktan ang LGBT (lesbian gay bisexual and transgender) o ‘yung community.

“Sa totoo lang, I have to ask Vice (Ganda), I have to ask a lot of my friends, mga staff din and kung paano bang maging bakla, paano ‘yung itinatago mong bakla ka.

“It took a while to adjust, pero napakahusay talaga ni Direk Joel (Lamangan), parang gina-guide niya ako throughout the whole film. Sabi niya, ‘O, bawas-bawasan mo ‘to, mas bigay mo nang todo ‘to, kasi dito mas alam na ng lahat’. I was guided,” kuwento ni Billy.

Hesitant ang It’s Showtime host na tanggapin ang pelikula noong ihain ito sa kanya ng manager niyang si Arnold Vegafria.

“Hindi ko kasi alam kung kaya ko bang gampanan, kaya ko bang gawin ‘to? Pero nu’ng kinausap na ako ni Arnold at nalaman ko rin kung sinu-sino ang mga kasama, si Direk Eric(Quizon), ‘tapos sina Martin Escudero, Kean(Cipriano) at si Direk Joel. I never worked with Direk Joel before, so ‘yung pleasure lang, enjoy ko lang,” sabi pa ni Billy.

Lapitin ba siya ng gays? 

“Diyos ko, nagsimula ako four years old, so hindi ko alam kung lalapitan ako o hindi. Lalapitan ako, magpapakandong, ‘yun ‘yung mga ano sa akin, pero marami akong gay na kasama sa trabaho, mga kaibigan.”

Niligawan na ba siya ng bading?

“Never naman akong niligawan ng bading, never had a proposal.”

Naging tanga na ba siya sa pag-ibig?

“Lahat naman tayo naging tanga na sa pag-ibig. Generally speaking, you do stupid things for love, ‘yung kung may matutunan ka na lang after the love, iyon ‘yun,” kaswal na sabi ng TV host/actor.

Ano ang masasabing katangahang nangyari sa kanya?

“’Yung nagmahal ka ng tao ‘tapos lolokohin ka, ‘yun ‘yung tanga. Ibubuhos mo lahat, ibibigay mo lahat para sa kanila, ‘tapos ‘yun pala niloko ka lang.”

Naniniwala ba si Billy sa same sex marriage?

“Everyone has his own opinion naman, it’s a very sensitive topic na especially nowadays. Ako naman, I have a lot of friends and producers na who got married in California and I’m not against it. Pero ngayon, it’s very confusing lang to be honest with you kasi, alam mo ‘yung ang daming steps ng pagiging bakla. There’s the transgender, the transvestite, there’s the gay. Ang dami-dami, so medyo nakakalito at one point.  

“Eh, kausap ko nga si Vice rin, sabi ko, ‘Bestie, ano ba ang difference ng ganito?’ Eh, sabi niya, ‘Diyos ko, ‘wag mo ako kausapin tungkol d’yan, ako’y lito na rin sa mga ganyan.’ So, alam mo ‘yung it’s a very sensitive topic and also, very hard to understand. Tao lang tayo lahat, katulad ng linya ko rito (sa pelikula), sabi ko, ‘Kung mahal mo ang tao, kahit nakapalda ka, nakapantalon ka, basta tao, mahal mo,” mahabang sagot ng aktor.

Samantala, mas nahirapan si Billy sa pagganap bilang paminta o nagtatagong bading sa That Thing Called Tanga Na kaysa kung bading na bading ang naging role niya.

“Para sa akin, mas mahirap ‘yung itinatago mo, ‘yung sinu-surpress mo para hindi malaman ng lahat, ‘tapos ‘yung pinagtatrabahuan mo, they’re all gay. So ayaw mong mahalata. Mas mahirap kasi kailangan mong mag-create ng wall, nagpapanggap kang lalaki. So ako naman bilang lalaki, okay go. Ayoko namang sumobra sa pagiging bakla na lantad na, there’s a balance between that at sobrang ang dami kong natutunan kay Direk Joel about that,” paliwanag ng aktor.

At ang mga gay lingo na alam ni Billy, “mga kalurkey, mga chuvaness, well ‘yung mga natutunan ko lang sa Showtime kay Vice, pero kung ‘yung gay lingo vocabulary ko, medyo alanganin ako ro’n. hindi ako masyado (maraming alam).

Mga typical na ginagamit lang like ganern (ganu’n).”

Nabanggit din niya na, “Twelve years old pa lang ako, sinabihan na akong, ‘ay lalaki itong bading ‘to?’ Well, hindi nakatulong ‘yung apple haircut ko dati, hindi nakatulong ‘yung mga sequences na suot ko. Hindi mo naman maiiwasan, eh. People just want to say what they want, basta alam mo kung ano ang totoo sa ‘yo, ‘yun ang importante.” --Reggee Bonoan