SA dami ng natutumba at sinasakluban ng diyaryo sa mga bangketa at kalsada, walang dudang may PUSONG-BATO na ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nag-uutos sa mga operasyong gaya nito para tuluy-tuloy na maisakatuparan ang pangako ng administrasyon na wawalisin sa loob lamang ng anim na buwan ang problema sa ilegal na droga at kriminalidad sa buong bansa.

Kailangan ang tibay ng dibdib at sikmura sa mga ganitong police operation dahil kung wala, siguradong magkakandaduwal ang mga operatiba sa bawat bangkay na kanilang makikita.

Pero kakaiba ito sa naikuwento sa akin ng kaibigang kong intel-operative na galing sa Mindanao hinggil sa PUSONG-BATO ng isang heneral na naging PUSONG-MAMON dahilsa ginagawa nitong police operation sa kanyang Area of Responsibility (AOR).

Ibinuking niya sa akin kung papaanong si Chief Supt. Billy Beltran, Regional Director ng PNP Reg-9 sa Zamboanga,ay naging PUSONG-MAMON sa pag-iikot nito sa mga liblib na kabayanan at munisipyo nito lamang nakaraang linggo sa kanyang nasasakupan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi raw maitago ni RD Beltran ang pangingilid ng kanyang luha sa nasilayang kaawa-awang kalagayan ng mga nakatira sa mga liblib na lugar na kanyang binisita. Halos madurog daw ang pusong-bato ni RD Beltran sa pagpapasalamat ng mga mag-aaral na nabigyan niya lamang ng lapis at mumurahing notebook at papel ay halos maiyak na sa tuwa. Mga estudyanteng nagtitiis pumasok sa giba-gibang paaralan na wala halos kagamitan maliban sa lumang pisara. Ang mga guro na pinagkakasya ang isang chalk para sa buong linggong pagtuturo.

Mga lugar na halos dalawang buwan na raw walang serbisyo ng kuryente at malinis na tubig. Walang matinong kalsada para madaanan ng sasakyan at malakaran ng mga tao, lalo na ng mga estudyanteng papasok sa kanilang paaralan.

Pero ang pinakamatindi: walang malalapitang mga lokal na opisyal ang mga tao dahil wala ni isa sa mga ito ang bumibisita sa lugar matapos manalo sa eleksiyon. Si RD pa nga lang daw, na isang pulis pa, ang unang mataas na opisyal ng pamahalaan, na “naligaw” sakanilang mga lugar.

Sa sobrang pagkaantig sa kanyang nakita, agad nakipag-ugnayan si RD Beltran sa kanyang mga mista, kaibigang negosyante, mga kilalang pulitiko, ilang opisyal sa pamahalaan, at mga kapwa-opisyal sa PNP upang tulungan ang proyekto niya para sa mga taong ito, lalo na sa mga batang gustung-gustong makapag-aral para umasenso sa kanilang buhay.

Contact: Globe: 09369953459/Smart: 09195586950/Sun: 09330465012 o kaya’y mag-email sa: [email protected]

(Dave M. Veridiano, E.E.)