BIKTIMA na rin pala ng pamimirata ang Imagine You & Me.

MAINE AT ALDENNagsimula sa pagtatanong ng mga kaibigan at kaanak naming nakatira sa Florida, USA kung bakit hindi ipapalabas ang pelikulang Imagine You & Me nina Alden Richards at Maine Mendoza. Matagal na raw nilang inaabangan ito. Unexpected na piracy pala ang dahilan.

Tumawag kami sa taga-APT Entertainment pero hindi sinasagot ang tawag namin. Sinubukan naming i-check ang Twitter account ni Direk Mike Tuviera at sa post niya namin nalaman ang lahat.

Ito ang tweet ng direktor ng Imagine You & Me:

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

“We lost an opportunity to screen Imagine You & Me in Florida directly because of the pirated copies uploaded to FB and to YouTube. So to those who think that piracy has little effect on studios or audiences, this is a concrete example. Because of the film being uploaded and shared online illegally, AlDub fans in Florida and nearby areas will not be able to watch the film.”

May nagkomentong AlDub fan, “This is so sad for us Floridians. What about PPV at least? We want to show our support to AlDub & we’ve waited patiently.”

Samantala, marami na ang nakapanood sa Dubai at full house raw ayon mismo sa mga nanood na nagpadala ng litrato na mahaba ang pila.

Hindi rin palabas ang Imagine You & Me sa Chicago, Illinois sabi ng pinsan namin dahil, “Mahina ang GMA (talents) dito.”

Pero napanood na ito ng kaanak namin sa Italy at naaliw siya dahil halos lahat ng pinagsyutingang lugar nina Alden at Maine ay naging puntahan kaagad ng mga turista.

“Hindi na bago siyempre sa amin ang mga lugar, pero maganda talaga ‘yung pinuntahan nila, nakita naman sa movie, di ba? Actually, maganda ang Italy, ‘yung story ng Imagine You & Me common na but sabik ang mga kababayan natin dito sa pelikulang Pinoy kaya malakas naman.

“Parang hindi lang naalagaan si Alden kasi ‘yung mga marks sa mukha niya kitang-kita. Si Maine maski na malaki bibig, makinis naman at maayos sa screen,” kuwento sa amin ng kaanak namin.

Mukhang palaban pa sa takilya ang Imagine You & Me dahil palabas pa rin sa ilang sinehan sa Metro Manila at sumabasay sa Jason Bourne ni Matt Damon at How To Be Yours nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Sitsit sa amin ng booker na kakilala namin, as of last Thursday ay hindi pa raw umaabot sa P200M ang kinikita ng Imagine You & Me. –Reggee Bonoan