SEOUL, South Korea (AP) — Isang Chinese si Jeon Ji-hee, ngunit sasabak siya sa table tennis event ng Rio Olympics sa koponan ng South Korea.

Payak lamang ang ibinigay niyang dahilan kung bakit kinailangan niyang lisanin ang Mainland upang matupad ang pangarap na makalaro sa Olympics.

“There are way too many good players in China,” pahayag ni Jeon matapos ang pre-Olympics practice session.

“It’s extremely hard to make it to the national team.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang sitwasyon ni Jeon ang siyang dahilan kung bakit nagkalat sa iba’t ibang bansa ang talento ng Chinese sa sports ng table tennis. Sa bandang huli, mainam na rin ang nagaganap na “immigration” upang maiwasan ang dominasyon ng isang bansa sa sports.

Gayunman, mananatiling liyamado ang Team China sa Rio Games dahil sa kanilang line-up na binubuo ng mga world at Olympian medalist.

Patuloy ang pagtaas ng kalidad ng table tennis si China at magkaroon man ng paglilipat ng talento sa ibang bansa, nananatiling moog ang Chinese sa table tennis na dominado nila sa nakalipas na mga taon o dekada.

Sa kasalukuyan, tanging ang China ang naging kampeon sa table tennis mula nang maging bahagi ito ng Olympics noong 1988.

Bago ang 2012 Olympics, binago ang format at rules ng table tennis, ngunit nanatiling kampeon ang China.