Magpapatupad ng price rollback sa Liquified Petrolelum Gas (LPG) ang Petron Corporations sa Agosto 1 ng madaling araw.
Sa anunsyo ng Petron, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Lunes, magtatapyas ito ng 70 sentimos sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P7.70 na bawas-presyo sa 11 regular na tangke nito.
Bukod dito, magpapatupad din ang Petron ng price rollback na 40 sentimos sa Xtend Auto-LPG na karaniwang ginagamit sa taxi.
Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo sa LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba sa presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.
Sa unang pagtaya ng energy sources, aasahan ng consumers ang 60-80 sentimos na tapyas-presyo sa kada kilo ng LPG katumbas ng P6.60-P8.80 na kaltas sa bawat 11 kilogram na tangke.
Ang bentahan ng regular na tangke ng LPG ay mula P420 hanggang P680. (Bella Gamotea)