ISULAN, Sultan Kudarat – Pinuna ng ilang opisyal ng pamahalaang panglalawigan ang kawalan ng drug rehabilitation center para sa mga sumukong sangkot sa ilegal na droga sa probinsiya.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Chief Henry Albano na ipinagagawa na nila ang isang pasilidad na maaaring pansamantalang matuluyan ng mga gumagamit at nagbebenta ng droga na isasailalim sa gamutan.

Sa kasalukuyan, nasa 6,000 sangkot sa droga ang sumuko sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Sultan Kudarat.

(Leo P. Diaz)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!