Nabigo ang Batang Gilas na makausad sa susunod na round nang gapiin ng South Korea, 85-93, nitong Biyernes, sa FIBA Asia Under-18 Championship sa Tehran, Iran.

Nagbabadya na ang panalo ng Philippine youth quintet nang makuha ang 80-73 bentahe sa huling limang minuto ng laro, ngunit nakabangon ang Korean sa inilatag na 9-0 run para agawin ang kalamangan sa 84-80.

Nakipagbuno ang Batang Gilas para manatiling dikit sa 87-85, ngunit nagpakawala ng apat na sunod na puntos si Junghyun Lee para ilayo ang iskor na hindi na nagawang habulin ng Batang Gilas.

Nanguna si Jolo Mendoza sa natipang 19 na puntos sa Batang Gilas, habang nag-ambag si Kenmark Carino ng 18 puntos at 12 rebound.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iskor:

Korea (93)—Han 24, Ha 20, J. Park 14, M. Park 13, Lee 9, Yang 9, Shin 2, Yun 2, Kim 0, J. Yang 0, J. Kim 0.

Philippines (85)—Mendoza 19, Carino 18, Tibayan 13, Gallego 13, Yu 8, Bahio 6, Mamuyac 4, Sinclair 4, Lee 0, Flores 0, Madrigal 0, Pagsanjan 0.

Quarters: 28-31, 47-47, 67-67, 93-85.