Magiging lifesavers na ang mga batang Pinoy matapos maging ganap na batas ang panukalang isama sa basic education curriculum ang pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).
Ayon kay Sen. Juan Edgardo Angara, pangunahing may-akda ng CPR Law (Republic Act 10871), inaatasan ang pribado at pampublikong paaralan na bigyan ng CPR training ang kanilang mag-aaral, isang requisite bago sila maka-graduate.
“CPR is an essential lifesaving skill that ordinary citizens and even our youth can be trained to do,’’ ayon kay Angara.
Ang nasabing batas ay isinulong din ni dating Congressman Yeng Guiao at ng Philippine Heart Association (PHA).
Noong panukala pa lamang ito, inihalimbawa ang sinapit ng basketbolistang si Samboy Lim na dumanas ng cardiac arrest sa isang exhibition game noong 2014. Si Lim ay na-comatose ng halos isang buwan, kung saan sinabi ng doktor na hindi sana naging malala ang kalagayan ni Lim kung na-CPR lamang ito.
“We must instill health consciousness among Filipinos, and ensure that we are equipped with the necessary knowledge and basic skills to respond to certain health emergencies,’’ ayon sa Senador. (Leonel Abasola)