CABANATUAN CITY - Tatlong tama ng bala ang ikinasawi ng isang dating pulis makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang motorcycle-riding assassins sa Fajardo Street sa Baranay Aduas Sur sa siyudad na ito, noong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, OIC ng Cabanatuan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, kinilala ang nasawi na si Edmundo Flamenco y Javate, 38, dating PO3 ang ranggo, may asawa, at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Dionisio De Jesus, dakong 8:30 ng gabi at nakatayo si Flamenco sa tabi ng isang tindahan nang biglang sumulpot ang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Ayon sa record ng pulisya, si Flamenco ang leader ng Flamenco motornapping group, at umano’y sangkot sa gun smuggling at ilegal na droga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinibak siya sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen, at naaresto dahil sa droga noong Nobyembre 27, 2013, ngunit nakapagpiyansa. (Light A. Nolasco)