NATATANGING media and entertainment company ang ABS-CBN sa listahan ng top companies na gustong pagtrabahuhan ng mga Pilipino base sa resulta ng survey na isinagawa ng JobStreet para sa taunang JobStreet Top Companies Report.
Ito ang pangatlong pagkakataon na naging bahagi ang ABS-CBN sa Top Companies Report ng JobStreet simula noong 2014.
Ayon sa JobStreet survey, gusto ng mga empleyado ang ABS-CBN dahil sa Company Reputation, Training and Development, at Perks and Benefits. Ibinahagi rin ng employee respondents na buhay ang Kapamilya spirit sa loob ng ABS-CBN.
Umaabot sa 14,062 JobStreet.com members na iba-iba ang position levels bilang empleyado ang lumahok sa 2016 survey na ginanap noong Mayo hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon. Inihayag din na basic salary ang unang hinahanap ng Filipino jobseekers sa kompanyang gusto nilang aplayan. Kabilang sa ibang factors na hinahanap ay Perks and Benefits, Traning and Development Programs, Promotions and Career Development, and Company Reputation.
Dumalo para tanggapin ang JobStreet Top Companies Report 2016 award para sa ABS-CBN sina ABS-CBN vice president for corporate recruitment Arlyn Fausto at ABS-CBN recruitment marketing sourcing manager Kristine Nanagas.
Ang ABS-CBN ang nangungunang media and entertainment company sa bansa at tahanan ng de-kalidad na TV programs, box-office films, best-selling books, music albums. Unti-unti rin itong nagiging digital company gamit ang makabagong teknolohiya dahil sa malawakang online presence nito pati na sa mas dumarami nitong digital properties. Ang ABS-CBN din ang unang nag-offer ng content online sa mobile at naglunsad ng digital television sa Pilipinas.
JobStreet ang nangungunang talent at employment marketplace sa bansa at sa Asya. Layunin ng taunang Top Companies Report na kilalanin ang exemplary standing ng top companies na gustong pagtrabahuan ng mga Pilipino.