Itinaas na sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng NGCP, aabot sa anim na oras ang nabanggit na alerto, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon kahapon.

Nilinaw ng NGCP na ang yellow alert ay bunsod ng numinipis na reserba ng kuryente sa Luzon, dahil sa nananatiling shutdown ng Sual 2, Calaca 2, Sta. Rita, SLTEC, Limay 2 at Angat Main 2.

Pinayuhan naman ang mga consumer na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang posibilidad ng rotational brownout.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pinaalalahanan din ang commercial at industrial customers na nasa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) na maghanda sa posibilidad ng paggamit sa kanilang generator sets kapag lumala ang sitwasyon. (Rommel P. Tabbad)