Sinabi ng United World Wrestling, ang Olympic body sa wrestling, nitong Huwebes, na suportado ng federation ang paglahok sa Rio Games ng 16 sa 17 kuwalipikadong wrestler mula sa Russia.
Sa isang pahayag, sinabi na dumaan na sa pagsusuri ang 16 na manlalaro sa mga kinikilalang laboratory sa labas ng Russia, at hindi naman nabanggit sa ulat na kabilang sila sa mga sumabit sa doping scandal ng Russia.
Hindi naman pinayagan na makalahok sa Rio Games ang isa pang manlalaro na si Viktor Lebedev dahil positibo siya sa doping test noong 2006. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)