Ibinasura na ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senador Jinggoy Estrada na humihiling na i-dismiss ng hukuman ang kaso nitong 11 counts ng graft kaugnay ng pagkakasangkot sa “pork barrel” fund scam.

Ayon sa 5th Division ng anti-graft court, walang sapat na merito ang mosyon kaya hindi ito binigyang-bigat ng korte.

Sinabi ng hukuman na ang graft na kinahaharap ni Estrada ay hiwalay sa information ng kaso niyang pandarambong.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“As correctly pointed out by the prosecution in its opposition, the fact alone that the information for plunder and violation of Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) filed against Estrada arose from the same acts does not justify his erroneous theory of ‘absorption’,” saad sa ruling ng korte.

Sa mosyon ni Estrada, na inihain sa anti-graft court noong Mayo ngayong taon, ipinadi-dismiss niya ang kasong graft laban sa kanya at idinahilan na ang lahat ng alegasyon sa naturang mga kaso ay nakapaloob na sa kinakaharap niyang plunder sa kaparehong dibisyon ng korte, na nag-ugat din sa umano’y pagkakadawit niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam. (Rommel P. Tabbad)