May kabuuang 66 na bagong individual long course record ang naitala ng homegrown swimmer na sumabak sa katatapos na Philippine Swimming Inc. (PSI) Long Course National Championships.
Sa pakikipagtulungan ng MILO, sumabak ang mahigit 600 kabataan mula sa 65 club team at eskuwelahan sa torneo na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex.
Bago ang torneo, pinagkalooban ng pagkilala ang tatlong produkto ng kompetisyon na naging bahagi ng Philippine Team sa katatapos na 6th Children of Asia International Games sa Yakutsk, Russia. Ang tatlo na nagtala rin ng bagong record ay sina Rafael Baretto, Philip Joaquin Santos, at Camille Buico.
Naitala ni Barreto, pambato ng Ateneo De Manila mula sa Bulacan, ang bagong marka sa 50-meter butterfly event sa boys 16-year event sa tyempong 25.86. May kabuuang 16 medalya ang napagwagihan niya sa Age Group at Open division.
Agaw atensiyon din ang 15-anyos na si Santos na nakagawa ng bagong record sa Individual Medley sa tyempong 2:15.61, gayundin sa 200-meter event at 400-meter event (4:48.98).
Winalis naman ni Buico, bronze medalist sa Children of Asia International Games, ang 50-meter at 100-meter Butterfly category sa oras na 29.07 at 1:06.43, ayon sa pagkakasunod.
Nangibabaw naman si Sacho Ilustre, ang 17-anyos pambato ng De La Salle University, sa 200-meter Butterfly at 50-meter Freestyle category, gayundin si Hannah Dato, pambato ng bansa sa ASEAN University Games sa Singapore at MILO Little Olympics’ 2010 best swimmer, sa 50-meter Butterfly sa tyempong 27.69 at 100-meter Backstroke sa (1:06.34) sa 19-and-over event division.
Kabilang din sa mga nangibabaw sina Samantha Coronel, Zoe Hilario, Raissa Gavino,MishkaSy, Kirsten Tan, Naomi Locala, Jules Ong, Xiandi Chua, aissa Regatta Gavino, Regina Paz Castrillo, Kirsten Chloe Daos, Alyssa Pogiongko, Nichole Evangelist, Rona Lalimo,Romina Rafaelle Gavino, Courtney Gray; Priscilla Aquino, Marco Daos, Jonathan Locala, Maenard Batnag, Maenard Batnag, Christian Sy, Joshua Ouden, Ianiko Limfilipino, Jexter Janzen Chua, Akiva Carino, Jose Mari Arcilla, Miguel Antonio Arellano, Jose Antonio Bautista, at Timothy Yen.
Nakamit naman ng Ayala Harpoons ang overall champion.
“We are overwhelmed by the warm support of the Philippine swimming community and we are grateful to have staged our biggest Long Course Tournament yet,” sambit ni coach Reina Suarez, PSI Executive Director. “MILO has a longstanding commitment in empowering the Filipino community and the youth through sports,” pahayag naman ni Robbie De Vera, MILO Sports Executive. “The feats our young swimmers have accomplished are truly inspiring. MILO congratulates the Philippine Swimming Inc. for a successful competition.”