Nakapasok na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang ikatlong bagyo sa taong ito.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nabanggit na bagyo ay pinangalanang “Carina”.

Huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Sinabi ng PAGASA na taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometro kada oras at ito ay kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Paliwanag ng ahensya, maliit ang posibilidad na lumakas pa ito nang husto dahil malapit na sa lupa, ngunit maaari naman itong magdala ng pagbaha at landslide.

Tinukoy ng PAGASA ang mga lugar na maaapektuhan nito na kinabibilangan ng Bicol Region at Eastern Visayas.

(Rommel P. Tabbad)