Walong koponan mula Metro Manila at Laguna ang nakatakdang magkasubukan sa unang Crosscourt Volleyball Tournament na sisimulan ngayon sa Badminton City court sa Manila.

Nagtatampok sa mga manlalarong may edad 13-19, umaasa ang mga nasa likod ng CVT na magsisilbi itong daan para sa mga kabataan na malinang ang kanilang natatanging galing.

Magsisilbing tournament commissioner ng CVT si University of the Philippines coach Jerry Yee na nagsabing nagimbita siya ng mga scouts mula sa UAAP at NCAA upang personal na manood ng torneo.

Ang mga teams na kalahok ay hinati sa dalawang grupo at maglalaro ng single round robin elimination kung saan ang dalawang mangungunang teams ng bawat grupo ay uusad ng diretso sa semifinals habang ang ikalawa at ikatlong mga teams naman ang maglalaban para sa huling dalawang semifinal seats.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May premyong naghihintay sa magkakampeon na nagkakahalaga ng P40,000 habang tatanggap naman ang runner-up ng P20,000, at P10,000 at P5,000 naman para sa 3rd at 4th placers ayon sa pagkakasunod. (Marivic Awitan)