Hindi makikipag-usap ang gobyerno sa Abu Sayyaf Group (ASG), sa halip ay dudurugin pa ang mga ito dahil sa kanilang kriminal na aktibidad, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikipag-usap ang pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil ang kanilang grupo ay may idelohiya.

“‘Yung mga criminal, wala na. You have to destroy them. There’s no other choice. There’s no ideology. There’s not a program of government for the people. There is no alternative na, sige kami ang ilagay kasi ito ‘yung aming magandang paraan sa gobyerno. Nothing of this sort,” binigyang diin ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Southern Luzon Command headquarters sa Lucena, Quezon.

Wala umanong choice ang pamahalaan kundi wasakin ang ASG sapagkat hindi umano makikipag-usap sa kriminal ang Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang ASG ay magugunitang napaulat na responsable sa serye ng kidnapping sa Mindanao at ang pinakahuli ay ang pagpugot sa ulo ng dalawang Canadian na dinukot ng mga ito. (Genalyn Kabiling)