GAPAN CITY, Nueva Ecija – Tatlong lalaki ang mistulang hindi natatakot sa sunud-sunod na pagdakip sa mga sangkot sa droga kaya naman naaresto habang nagpa-pot session sa loob ng sementeryo sa Barangay Mangino, nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni Senior Insp. Jaime Ferrer, ng Intel/DEU ng Gapan Police, naaktuhan sa pot session sa sementeryo sina Alberto Suarez y Tanchico, 38, ng Bgy. San Rafael, Bulacan; Allan Gacayan y Evangelista, 24, ng Bgy. Mangino; at Roberto Amurao y Reyes, 30, binata, ng Bgy. Pambuan, Gapan City.

Nasamsam sa kanila ang isang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Search and rescue operations sa gumuhong landfill sa Cebu, suspendido dahil sa pag-ulan