HINDI dapat itinuturing na may mental health disorder ang mga taong tinutukoy ang sarili bilang transgender, ayon sa isang pag-aaral mula sa Mexico

Sa ngayon, nakasaad sa listahan ng World Health Organization ang transgender identity bilang mental health disorder, at ang bagong pag-aaral ang una sa mga serye ng research na naghahangad malaman kung ang kategoryang ito ay angkop o tama. Ang pag-aaral ay uulitin sa Brazil, France, India, Lebanon, at South Africa, ayon sa mga researcher.

Sa bagong pag-aaral, na inilabas noong Hulyo 26 sa journal ng The Lancet Psychiatry, inimbestigahan ng mga researcher kung ang distress at dysfunction na ikinakabit sa transgender identity ay bunga ng social rejection at stigmatization o likas lang na bahagi ng pagiging transgender.

Ang nararanasang “distress and dysfunction” ay madalas na iniuugnay sa pagkakaroon ng mental health disorder, ayon sa pag-aaral. Ngunit ang iba pang factors ay maaari ring magdulot ng nasabing pakiramdam, kabilang ang naranasan nilang rejection o stigmatization.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinapanayam ng mga researcher ang 250 transgender sa Mexico City. Ipinagbigay-alam ng mga tao sa pag-aaral ang kanilang edad kung kailan sila nagkamalay na mayroon silang transgender identity, pati ang kanilang karanasan ng psychological distress, social rejection, difficulty functioning sa kanilang araw-araw na buhay, at violence, ayon sa pag-aaral.

Napag-alaman ng mga researcher na 76 porsiyento sa mga kalahok ang nagsabing nakakaranas sila ng social rejection, at 63 porsiyento naman ang nagsabi na biktima sila ng violence na naging resulta ng kanilang gender identity. Sa maraming kaso, ang social rejection at violence laban sa mga transgender na indibiduwal ay nangyayari sa pamilya.

(Ang madalas na pangyayaring ganito sa sariling pamilya ng kalahok ay “particularly disturbing,” saad ng mga researcher.)

Gamit ang statistical analysis, napag-alaman ng mga researcher na ang social rejection at violence ay malakas na indikasyon na nakararanas ang mga transgender ng distress at dysfunction.

“Our findings support the idea that distress and dysfunction may be the result of stigmatization and maltreatment, rather than integral aspects of transgender identity,” sabi sa isang pahayag ni Rebeca Robles, researcher sa Mexican National Institute of Psychiatry at pangunahing author ng pag-aaral. Sa madaling salita, ang distress at dysfunction na sinabi ng mga transgender ay malamang na resulta ng pagtrato sa kanila ng hindi tama at may diskriminasyon, kasya sa likas na pagkakaroon ng transgender identity.

“This study highlights the need for policies and programs to reduce stigmatization and victimization of” people with transgender identities, Robles said. The removal of transgender diagnoses from the classification of mental disorders can be a useful part of those efforts,” aniya. (Livescience.com)