Poland Pope Pilgrims_Luga copy

KRAKOW, Poland (AP/Reuters) – Nasa digmaan ang mundo, ngunit hindi ito digmaan ng mga relihiyon, sinabi ni Pope Francis noong Miyerkules sa pagbiyahe niya sa Poland sa kanyang unang pagbisita sa Central at Eastern Europe kasabay ng pagpaslang sa isang pari sa France.

Ang pagpatay sa 85-anyos na pari sa isang simbahan sa Normandy noong Martes ay nakadagdag sa pangamba sa seguridad sa limang araw na pagbisita ni Francis sa pagdiriwang ng World Youth Day, na mataas na dahil sa mga bayolenteng pag-atake sa France at Germany. Nagpakalat ang Polish officials ng libu-libong security officials para magbantay sa okasyon.

Sa papal plane mula Rome patungong Poland, tinanong ng mga mamamahayag si Francis tungkol sa pagpatay sa pari.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“The word that is being repeated often is insecurity, but the real word is war. Let’s recognize it. The world is in a state of war in bits and pieces,” sagot ng papa, idinagdag na ang mga pag-atake ay maituturing na digmaang pandaigdig, tulad ng World War I at II. “Now there is this one (war). It is perhaps not organic but it is organized and it is war. We should not be afraid to speak this truth. The world is at war because it has lost peace.”

Ngunit nilinaw niya na hindi ito digmaan ng mga relihiyon. “Not a war of religion. There is a war of interests. There is a war for money. There is a war for natural resources. There is a war for domination of peoples. This is the war.

All religions want peace. Others want war. Do you understand?”

Sa kanyang pagdating sa Krakow airport, sinalubong si Francis ni Poland President Andrzej Duda, First Lady Agata Kornhauser-Duda, iba pang state officials, at daan-daang libong mananampalataya na ilang oras na naghintay para siya ay masilayan.

Kinagabihan ay lumabas ang 79-anyos na Argentine pope sa bintana ng archbishop’s palace sa Krakow para batiin ang mga pilgrim mula sa buong mundo. Humiling siya ng sandali ng katahimikan para kay Maciej Szymon Ciesla, ang Polish volunteer ng 2016 World Youth Day na namatay sa sakit na cancer.

“Some of you might be thinking, this pope has ruined the evening!” biro niya sa madla. “We have to get used to the good as well as the bad, life’s like that my dear young people.”

“Now go and do your duty, make noise all night long!” aniya na nakangiti.