MAAARING halos walang pagkakapareho ang mantikang pangluto at graphene, isang bagong tuklas na substance na mas matibay kaysa bakal, ngunit naniniwala ang ilan na posibleng gawa ang mga ito sa carbon dioxide na ibinubuga ng mga coal at gas-fired power plant.

Nagsumite ang mga grupo mula sa Canada, China, Finland, India, Scotland, Switzerland, at United States ng 47 panukala para sa unang round ng $20 million contest upang gawing kapaki-pakinabang ang mga ibinubuga ng mga planta, ayon sa mga opisyal ng NRG COSIA Carbon XPRIZE.

“Overall, we’ve got some people trying some classic approaches, some classic chemistry, and they’re trying to do it in a new way, or a more efficient way. And then we have some people taking some unorthodox approaches and they’re trying to do something brand new,” sabi ni Marcius Extavour, director of technical operations para sa paligsahan.

Ang NRG ay isang malaking kumpanya ng enerhiya na nakabase sa Houston, Texas. Ang COSIA ay kumakatawan sa Canadian Oil Sands Innovation Alliance, isang grupo ng mga kumpanya na nagde-develop ng Canadian oil sands.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang unang bahagi ng kumpetisyon ay isang pagsusuring teknikal na idodokumento. Hanggang sa 30 grupo ang uusad sa ikalawang round, na gagamit naman ng simulated flue gas sa isang laboratoryo.

Mula roon, hanggang sa 10 grupo ang maghahati-hati sa tumataginting na $2.5 million gantimpala at uusad sa ikatlo at huling round: Paggamit ng aktuwal na emissions mula sa isang coal-fired power plant sa Wyoming o sa isang gas-fired power plant sa lalawigan ng Alberta sa Canada.

Layunin ng paligsahan ang magpamalas ng pinakamainam na paraan upang makalikha ng produkto mula sa carbon dioxide upang matapatan ang gastos sa pagsugpo sa nabanggit na gas mula sa himpapawid. Ang mananalo sa bawat panig ng kumpetisyon—ang gumamit ng emission ng gas-fired power plant side o ang sa coal-fired power plant—ay tatanggap ng $7.5 million grand prize.

Siyam na sinanay na siyentista mula sa negosyo at akademya ang pipili sa mananalo.

Ang mga entry ay tinanggap hanggang nitong Hulyo 15. Ang mga grupong lumahok ay nagmula sa akademya, pribadong negosyo, nagsusulong ng mga ideya para sa mga bagong building materials, fuel sources, plastic products at iba pa:

— Isang grupo mula sa University of California, Los Angeles, ang nagpanukalang lumikha ng isang 3D-printed building material na tinatawag na “CO2NCRETE” na ang kalahati ng carbon dioxide emissions ay gagamitin sa tipikal na concrete production.

— Nagpanukala naman ang Pond Technologies, ng Markham, Ontario, na gumamit ng CO2 emissions upang magpadami ng algae at iproseso ang mga ito para maging biodiesel at “solid biofuel.”

— Nais naman ng grupong Protein Power mula sa Amerika na gumamit ng CO2 upang magpadami ng microbes na gagamitin sa paggawa ng pagkain ng isda sa mga palaisdaan at fish farms. Karaniwan nang gumagamit ng mga hinuling fishmeal ang mga fish farm.

May ilan ding nagpanukala sa paglikha ng isang produktong palm oil. Sa almost-science-fiction end, mayroong magtatangkang lumikha ng graphene o maliliit na tube ng carbon molecules na tinatawag na nanotubes.

“Those materials are so new there’s not sort of a technical process for how to make them,” sabi ni “It’s really cool to see people really kind of swinging for the fences.” (Associated Press)