Kasunod ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling, naharang ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Services-Northern Mindanao sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental ang bultu-bulto ng bulok na karne, ilang lumang luxury vehicle, at mga gamit na ukay-ukay, na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P19 milyon.

Sa limang container van na nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC), dalawa ang galing sa Korea na naglalaman ng mga ukay-ukay na damit, beddings at sapatos na nagkakahalaga ng P5 milyon, habang ang dalawang van ay naglalaman ng mga bulok na karne mula sa France at Netherlands.

Nabatid na ang mga inangkat na karne, na nagkakahalaga ng P10 milyon, ay lumabag sa Food Safety Act of 2013 dahil sa nakitang pagkabulok sa mga ito, na hindi maaaring kainin ng tao.

Tatlong classic Mercedes Benz at Porsche naman mula sa Amerika, na nasa nasa P4 milyon ang halaga, ang laman ng isa pang container van.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang mga nasabing kargamento ay dumating sa Mindanao Container Terminal noong Hunyo sa magkakahiwalay na shipment.

Gayunman, nabatid sa mga ulat na nakabase sa Metro Manila ang consignee ng mga kargamento, na natuklasan din ng BoC na walang mga permit.