Ganito inilarawan ang National Security Council (NSC) meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules sa Malacañang.

Sa pulong na tumagal ng lampas limang oras, tinalakay ang mga isyu ng West Philippine Sea (WPS)/ South China Sea (SCS), peace process, kampanya laban sa ilegal na droga at Charter change.

“The National Security Council which met July 27 at the Aguinaldo Hall in Malacañang was historic in that for the first time five presidents - four past and one sitting - met in an extraordinary show of good will and unity to discuss defense and security issues facing the nation,” ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella. “The tone was respectful and consultative,” dagdag pa nito.

Ang pulong ay nagsimula dakong 3:00 ng hapon at tumagal hanggang 8:00 ng gabi. Ito ang kauna-unahang NSC meeting sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Sinabi naman ni National Security Adviser Hermogenes C. Esperon na seryoso ang atmosphere sa nasabing pulong na dinaluhan ng mga dating pangulo na sina Benigno S. Aquino III, Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph Ejercito Estrada at Fidel V. Ramos.

“Naging seryoso at maganda ang NSC meeting. Napakaganda dahil dumating ang 4 former presidents,” ayon kay Esperon.

(Elena L. Aben)