ILAGAN CITY, Isabela – Isang dating pulis na nasa drug watchlist ang naaresto habang isang lalaking sangkot din sa droga ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakilalang armado sa lungsod na ito.

Inaresto kahapon ng tanghali sa Barangay Calamagui 2nd si Jose Joel Dela Cruz, 49, may asawa, dating pulis at ikaapat sa drug watchlist ng Ilagan City, sa bisa ng arrest warrant para sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Samantala, kinilala ni Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City Police, ang napatay sa Purok 4, Barangay Bliss, na si Roden Balmaceda, Sr., 41, na nasa drug watchlist din ng siyudad.

Ayon sa mga imbestigador, nangyari ang pamamaril dakong 11:45 ng umaga kahapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ni Bringas na hindi kabilang si Balmaceda sa mga sangkot sa droga na sumuko sa pulisya sa nakalipas na mga linggo. (Liezle Basa Iñigo)