Muling bumawi ang Batang Gilas at natikman ng India ang ngitngit ng Pinoy sa 105-82 panalo nitong Miyerkules, sa Fiba Asia Under-18 Championship sa Tehran, Iran.
Tangan ang 2-3 karta, nasungkit ng Batang Gilas ang No.3 spot sa Group A para makausad sa quarterfinal ng torneo.
Galing ang Pinoy sa nakapanghihinayang na 71-74 kabiguan sa Thailand na naglagay sa kanila sa delikadong katayuan bago harapin ang India.
Makakaharap ng Batang Gilas ang Group B No.2 Korea sa knockout round sa Biyernes.
Nanguna si Jolo Mendoza sa Nationals sa naiskor na 23 puntos.
Kaagad na nadomina ng Philippines ang India, 28-18, bago tuluyang ibaon ang karibal sa 79-57 sa pagsisimula ng final period.
Nag-ambag si Kenmark Carino ng 14 puntos, habang kumana sina Gian Mamuyac at Fran Yu ng tig-12 puntos.
Nanguna ang China sa Group A na may 5-0 marka at makakaharap ang Group B fourth-seed at host Iran, habang haharapin ng Japan ang Chinese-Taipei.
Iskor:
Philippines (105)—Mendoza 23, Carino 14, Yu 12, Mamuyac 12, Sinclair 9, Lee 9, Tibayan 7, Gallego 7, Pagsanjan 5, Bahio 4, Madrigal 2, Flores 1.
India (82)—Arthur Wilson 16, Gupta 11, Sahil 11, Mohammed Ali 10, Noushad 9, Poyamozh 8, Rachit 6, Ragupathy 5, Hansradj 2, Sayyed 2, Deepak 2.
Quarterscores:
30-21; 51-39; 79-57; 105-82.