ALDEN AT MAINE1 copy copy

PATULOY ang bashing kay Maine Mendoza tungkol sa blog na inilabas niya a few days ago. Laman ng blog ang kanyang paniniwala na hindi niya babaguhin ang sarili niya para lamang ma-please ang lahat ng tao. May mga sumang-ayon, pero mayroon namang hindi nagustuhan ang sinulat niya.

Isa sa mga nagtanggol kay Maine si Atty. Ferdinand Topacio na nagsabing, “Unconventional ang pagsikat ni Maine, social media ang fan base niya, unlike iyong ibang artista na ang studio ang nagpasikat, kaya nasasabi ni Maine na hindi niya need i-please lahat.”

Kaya sa thanksgiving party ni Alden Richards, nahingan ng comment ang aktor tungkol sa blog ni Maine at ang sagot niya: “Hindi po siya galing sa showbiz, kaya sana i-respect na lang natin ang opinion niya.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Alam naman ng lahat, lalo na ng AlDub Nation na ganoon nga nagsimula si Maine hindi siya showbiz, simula pa noong July 5, 2015, na una siyang lumabas sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Pero wala naman siyang ipinakitang masama sa mga kasama niya sa trabaho, lalong wala namang masabi negatibo ang kanyang fans. Kaya wala namang dapat baguhin si Maine kung ganoon talaga siya.

May nagdepensa rin na sariling blog iyon ni Maine, kaya kung iyon ang saloobin niya at gusto niyang isulat, bakit kailangang kuwestiyunin siya?

Kaya ang fans, walang pakialam, mas eager silang maghintay sa susunod na project nina Alden at Maine. Will it be a teleserye or a movie na sabi’y Valentine 2017 presentation ng AlDub?

Ang sabi ng isang mahusay na writer na nakapanood ng Imagine You & Me at nagustuhan ang movie at ang mga nagsiganap, sana raw ay sa isang European country muli mag-shooting sina Alden at Maine.

Patuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa phenomenal love team, dahil kumikita pa rin ang kanilang pelikula, may bagong endorsements at recornitions. 

As to the bashers, sabi nga ni Alden, “Nasanay na rin po kami ni Maine, kung anuman po ang ibinabato nila sa amin, hindi na namin pinapansin, ang mahalaga, nagkakatintindihan kami ni Maine sa lahat ng bagay.” (NORA CALDERON)