STA. TERESITA, Batangas – Inaresto ng mga awtoridad ang isang drug user na sumuko at nanumpang hindi na babalik sa bisyo matapos siyang mahulihan ng shabu at makipagtalo pa sa mga pulis sa Sta. Teresita, Batangas.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Ruel Tenorio, 49, taga-Barangay Calumala sa naturang bayan.

Hulyo 1 nang sumuko si Tenorio sa pulisya at nanumpang hindi na muling gagamit ng droga.

Ayon sa report ni PO3 Mafriel Magpantay, dakong 9:15 ng gabi nitong Hulyo 25 nang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa bentahan ng droga sa Bgy. Poblacion 1, at nakita nila roon si Tenorio.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pero sa halip na sumuko ay nakipagsagutan pa ang suspek sa mga awtoridad at itinulak at sinipa pa umano si SPO2 Lito Villavicencio.

Nang arestuhin, nakuha umano kay Tenorio ang isang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Lyka Manalo)