FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija — Nagplanong pumunta sa Panatag Shoal ang First Family, sa pangunguna ni Inday Sara Duterte, ngunit hindi ito natuloy upang iwasan ang lilikhaing tensiyon ng mag-anak sa nasabing rehiyon.

“Yung anak kong babae ‘yung mayor, galit na galit rin. Gusto niyang pumunta ng Panatag. Wow, huwag ‘yun,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Fort Magsaysay in Nueva Ecija.

Si Inday Sara, alkalde ng Davao City, ang nagyaya umano sa kanyang mga kapatid na sina Paolo at Sebastian upang puntahan ang lugar.

“I had to persuade her, sabi ko, we are in a very delicate situation now, and we are talking.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

So tayo, whatever there is any issue, public, ano lang, go straight. Hindi muna tayo maghanap ng away, at least hindi manggaling sa atin,” ani Duterte.

“Mabuti na lang I was able to – eh maldita ‘yan si Inday eh, nanununtok ng sheriff,” dagdag pa nito. ”Yung kapatid niyang dalawang mga lalaki, mga uto-uto ‘yun sa kanya. Pag sinabi ng babae, go go go ‘yan silang tatlo,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa kabila ng hindi pagkanti sa China, sinabi ng Pangulo na dapat ay laging handa ang militar sakaling may maganap na territorial dispute sa pagitan ng dalawang bansa.

“Just like any other country in this world, we have to have a strong Armed Forces. We have to have a military that can really protect the people, and the integrity of this department,” ayon sa Pangulo. (Genalyn Kabiling)