Kumpiyansa si Quezon City Mayor Herbert Bautista na maipagtatanggol nila sa Supreme Court (SC) ang ipinaiiral na ordinansa sa pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan sa lungsod.

Ito ang naging tugon ni Bautista matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang SC laban sa pagpapatupad ng curfew sa Quezon City, Maynila, at Navotas.

Ayon kay Bautista, hindi sila nag-aalinlangan sa legalidad ng ordinansa dahil sumusunod naman ito sa Juvenile Justice Welfare Act (JJWA). Noong 2014 pa, aniya, ang curfew ordinance sa QC na nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga rambulan ng mga kabataan tuwing gabi hanggang madaling-araw. (Rommel P. Tabbad)

Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?