Sa tatlong malalaking kampo militar sa iba’t ibang bahagi ng bansa itatayo ang rehabilitation center para sa mga sumukong drug user at pusher, inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, kabilang sa mga ikinokonsidera ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija para sa Luzon, Camp Jamindan para sa Visayas, at Camp Kibaritan sa Bukidnon para sa Mindanao.

Ipinaliwanag ni Lorenzana na kanila ring tinitingnan ang lawak ng mga kampo upang maging akma ito sa mga drug user at pusher na gusto nang magbagong-buhay.

Binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes na magtatayo ng isang malaking drug rehab center para doon ilagay ang mga sumukong adik at pusher. (Fer Taboy)
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!