Hindi na palalawigin pa ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan polls sa Oktubre.
Ito ang tiniyak ni Comelec Chairman Andres Bautista, upang hindi na umano maapektuhan ang preparasyon ng komisyon para sa Project of Precincts para sa eleksyon.
Nauna rito, nanawagan ang Comelec sa mga botante na magparehistro na sa Office of the Election Officer (EOE).
Sa mga deactivated voters naman, maaari silang magpunta sa kanilang lokal na Comelec offices upang doon magparehistro.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sa 2,284,743 botante na ‘deactivated’ dahil sa kawalan ng biometrics, 83,717 lang ang nakapagpatala simula Hulyo 15 hanggang 23, kung saan may pinakamaraming nakapagparehistro sa National Capital Region (NCR). (Leslie Ann G. Aquino)