Nakatakdang ihalal ang kabuuang 25 miyembro na bubuo sa bagong pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Agosto 8.

Ito ang inihayag mismo ni SBP Executive Director Renauld “Sonny” Barrios sa pagdalo nito kasama si SBP Deputy Executive Director for International Affairs Butch Antonio sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate.

“The venue is still to be finalized although the date is fixed on August 8, with the most important agenda on the line being the election of the new board of the SBP,” sabi ni Barrios.

Ipinaliwanag ni Barrios na 13 sa kabuuang 25 permanent member ang hindi na maaaring maiboto muli base sa nakasaad sa kanilang napagkasunduan at inaprubahan na Constitution and By-Laws na siya ring dahilan sa pagsunod ng sports patron na si Manuel V. Pangilinan upang hindi na maghangad ng dagdag na termino.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Meaning, sagad na ang term nila as board member, and that they can no longer be elected, which mismong si MVP ay inihayag na hindi na siya pupuwede na maging pangulo muli ng asosasyon, “ pahayag ni Barrios.

Ilan sa tapos na ang termino maliban kay Pangilinan bilang president ay sina Oscar Moreno bilang chairman, Ricky Vargas na siyang vice-chairman at Dr. Jay Adalem bilang treasurer.

Napipisil naman bilang bagong presidente si Alfredo Panlilio, Executive Vice-president ng Meralco at vice-president din sa SBP.

“There was a move within the board to extend the term of MVP, but he said no, as he pointed out the organization should not propagate personality but to strengthen it with good project and just direction,” aniya. (Angie Oredo)